F200029 Karagdagan sa Kontrata ng Pag-empleyo ng G5

Mga Panuto 

Maligayang pagdating sa page ng Forms ng Mga Panuto ng World Bank Group HR.

Idinisenyo ang form filler tool upang tulungan kang  elektronikong ilagay ang iyong datos at iimprenta ang isang papel na form na mayroong isang kakaibang barcode na naaayon sa iyong inilagay na datos. Sa oras na makumpleto mo na ang iyong mga sagot at maimprenta ang form, kailangan mong ipasa ito sa pamamagitan ng email o personal, depende sa uri ng form.  Mangyaring tandaan na ang datos na inilagay mo ay direktang nakuha sa kakaibang barcode ng form, kaya importante na huwag kang gumawa ng anumang mga nakasulat na pagbabago, mga pagwawasto, o mga karagdagan sa datos o sa form matapos itong maimprenta. Ang paggawa nito ay maaring magresulta ng mga pagkakamali sa datos at mga pagkaantala ng proseso.

Kung sakaling mapansin mo ang anumang mga pagkakamali matapos mong maimprenta ang form, o kung may nakaligtaan kang patlang, iminumungkahi naming magsimulang muli at kumpletuhin ang isang panibagong form. Mahalaga ring tandaan na ang iyong impormasyon ay hindi naka-save sa pamamagitan ng form filler at hindi na maaring ma-access matapos mo itong maimprenta. Kung kaya, mangyaring maging mas maingat sa pagsusuri ng iyong mga sagot, dahil sa imposible nang gumawa ng anumang mga pagwawasto pagkatapos maimprenta ang form.

Ang bawat form ay tinatayang higit sa sampung minuto para kumpletuhin. Mangyaring siguraduhin na mayroon ka ng mga kinakailangang dokumento gaya ng pasaporte upang pagkunan ng mga impormasyon na maaaring kailanganin sa ilang mga patlang. Huwag isara ang mga form hanggang sa sila ay handa na para sa pag-download. Ang mga form na bahagyang napunan ay hindi maaaring i-save upang tapusin mamaya. Kung kailangan mo nang higit pang tulong, mangyaring kontakin. Maraming salamat!

Impormasyon sa Pagkumpleto ng Form

1) Ibalik ang lahat ng mga pahina ng form na ito sa HR Operations (Pumili ng isang transmittal na format, at magpasa lamang ng isang beses):

a. Mag-email sa hroperations@worldbank.org

b. Mag-fax +1 (202) 522-7026

Kailangan ng Tulong? 

Kung ikaw ay nakararanas ng anumang mga isyu, mangyaring kontakin ang HR Operations sa pamamagitan ng email: hroperations@worldbank.org o telepono 202-473-2222 o 5220+32222.

Rebisyon 26 Ene 2024

G5 Pagtatrabaho

World Bank Group UPI*

Ang Karagdagang ito sa Kontrata ng Pag-empleyo ng G5 ng World Bank Group (ang “Bangko”) ay nagtataguyod ng dagdag na pinakamababang pamantayan para sa mga miyembro ng kawani ng Bangko na nag-eempleyo ng domestikong empleyado ng G5 para matiyak ang kanilang patas na pagtrato, alinsunod sa mga angkop na probisyo ng batas sa U.S. at Mga Patakaran ng Kawani. Mandatoryo at sasailalim sa pag-audit ang pagtupad sa mga inaatas ng Karagdagan sa Kontratang ito, kung saan kasama ang ilang dinagdagang tuntunin ng pag-empleyo mula sa binigay ng Departamento ng Estadong mga pinakamababang tuntunin. Ang mga miyembro ng kawani ay dapat magpatotoo sa pagtanggap ng kanilang mga obligasyon sa ilalim nito sa paghiling sa pagtaguyod ng Bangko para sa mga aplikasyon sa G5 visa, pag-renew ng G5 visa, o ekstensiyon ng Form I-94. Ang mga paglabag ng mga obligasyon ng miyembro ng kawani sa ilalim nito ay maaaring magresulta sa angkop na pangdisiplinang pagkilis laban sa miyembro ng kawani, hanggang sa at kasama ang pagpapaalis.

I.         Medikal na Insurance.  Inaatasan ang Employer na magbigay nang libreng medikal na insurance sa Empleyado na nakatutugon sa pinakamababang mahalagang saklaw na inaatasan para matugunan ang inaatas sa indibiduwal na responsibilidad sa ilalim ng Affordable Care Act. Dapat bayaran ng Employer ang lahat ng mga medikal na gastos na natamo ng G5 na empleyado (mga bayad sa seguro, bahagi ng kabayaran, pagbabawas, atbp.) at ang halaga ng mga medikal na gastos ay hindi maaaring ibawas mula sa sahod ng Empleyado. Ang tanging pinahihintulutang mga pagbabawas ay ang mga inaatas ng batas. Ang Employer ay inaasahang magbayad ng anumang natitirang mga medikal na singil ng manggagawang pantahanan bago umalis ng Estados Unidos ang Empleyado.

II.         Mga Bayad sa Buwis.  Sisiguruhin ng Employer na makakuha ang Empleyado ng Social Security Card ng U.S. at babayaran ang bahagi ng Employer ng mga buwis sa Social Security at Medicare, pati na ang mga ibang inaatas na buwis o kontribusyon, kabilang ang pederal at estadong unemployment insurance at Workers Compensation insurance, sa lahat ng aktuwal na binayad na sahod.  Dapat bayaran ng Empleyado ang bahagi ng Empleyado sa Social Security at anumang angkop na pederal at estadong buwis sa kita sa lahat ng mga sahod.

III.         Pamamaraan sa Pagreklamo. May karapatan ng Empleyadong magreklamo, o magkaroon ng reklamo sa ngalan niya, alinsunod sa Kodigo ng Asal ng World Bank Group Patungkol sa Pag-empleyo ng Mga Domestikong Empleyado ng G5.  Ang nasabing reklamo ay maaaring maisampa sa Tanggapang ng Etiko ng Negosyo ng World Bank (202-473-0279).  Ang mga pamamaraan sa pagreklamo ng World Bank Group ay hindi hahadlang sa Empleyado sa pag-abiso sa mga awtoridad ng pamahalaan o pagsasagawa ng legal na pagkilos kaugnay ng anumang usaping nakakaapekto sa pag-empleyo niya.  Hindi maaaring makialam ang Employer sa mga nasabing reklamo o maghiganti sa empleyado para sa anumang pahayag na may mabuting layunin o pagkilos ng o sa ngalan ng Empleyado kaugnay ng reklamo.

IV.         Kalayaang Kumilos. Kinakailangan ng Employer na magbigay ng ganap na kalayaan sa Empleyado na pumasok at/o lumabas sa lugar ng pinagtatrabahuan at sabihin ang nasabing kasunduan sa Empleyado. Hindi maaaring makialam ang Employer sa mga pagkilos ng Empleyado bilang bahagi ng kanilang mga responsibilidad bilang empleyado o hindi niya maaaring pigilan ang Empleyadong pumasok/lumabas sa lugar ng pinagtatrabahuan anumang oras.

V.         Mga Panayam sa Personal ng Departamento ng Estado. Kinakailangan ng empleyadong pumunta sa panayam sa personal ng, at iniskedyul ng, Departamento ng Estado ng US sa loob ng 90 araw mula sa pagdating sa US upang patunayan ang pagsunod sa nilagdaang kontrata sa pagtatrabaho. Payagan dapat ng Employer ang Empleyadong pumunta sa panayam sa personal nang hindi gaanong mahuhuli ng dating kung posible. Hindi pinapayagan ang Employer na samahan ang Empleyado o na subukang turuang sumagot ang Empleyado sa mga tanong ng Departamento ng Estado sa panayam sa personal. Pupunta ang Empleyado sa mga susunod na taunang panayam sa personal ng Departamento ng Estado ng US sa kabuuan ng panahon ng kontrata sa pagtatrabaho.

VI.         Audit ng Mga Tala ng Miyembro ng Kawani.  Ang mga tala ng Employer patungkol sa Empleyado ay sasailalim sa panapanahong audit o bilang tugon sa reklamo ng o sa ngalan ng Empleyado.  Lubos at walang kundisyong makikipagtulungan ang Employer sa mga hiling na ginawa kaugnay ng nasabing audit ng bangko.  Inaatasan ang Mga Employer na gumamit ng mga propesyonal na serbisyong kompanya na dinesigna ng bangko para sa payroll ng G5 at/o obligasyon sa pag-ulat ng buwis. 

Lagda ng Employer

Lagda ng G4 Employer

Petsa

Pangalan ng G4 Employer:*

Inisyal ng Employer*

Pangalan ng G5 Empleyado*

Matapos mong punan ang dokumentong ito, dapat mo itong lagdaan at lagyan ng petsa bago mo ibalik ang dokumentong ito sa World Bank Group. Mangyaring siguraduhing LAHAT ng impormasyon sa ipapasang form ay kumpleto at tama bago iimprenta ang form. Ito ay bubuo ng iyong (mga) form bilang isang PDF file. Suriin ang file para sa katumpakan at pagkakaumpleto nito. Kung mayroong isang pagkakamali, mangyaring magsimula ng isang panibagong form.