TEMPLATE NG KONTRATA SA PAG-EMPLEYO NG A-3 AT G-5

Mga Panuto 

Maligayang pagdating sa page ng Forms ng Mga Panuto ng World Bank Group HR.

Idinisenyo ang form filler tool upang tulungan kang  elektronikong ilagay ang iyong datos at iimprenta ang isang papel na form na mayroong isang kakaibang barcode na naaayon sa iyong inilagay na datos. Sa oras na makumpleto mo na ang iyong mga sagot at maimprenta ang form, kailangan mong ipasa ito sa pamamagitan ng email o personal, depende sa uri ng form.  Mangyaring tandaan na ang datos na inilagay mo ay direktang nakuha sa kakaibang barcode ng form, kaya importante na huwag kang gumawa ng anumang mga nakasulat na pagbabago, mga pagwawasto, o mga karagdagan sa datos o sa form matapos itong maimprenta. Ang paggawa nito ay maaring magresulta ng mga pagkakamali sa datos at mga pagkaantala ng proseso.

Kung sakaling mapansin mo ang anumang mga pagkakamali matapos mong maimprenta ang form, o kung may nakaligtaan kang patlang, iminumungkahi naming magsimulang muli at kumpletuhin ang isang panibagong form. Mahalaga ring tandaan na ang iyong impormasyon ay hindi naka-save sa pamamagitan ng form filler at hindi na maaring ma-access matapos mo itong maimprenta. Kung kaya, mangyaring maging mas maingat sa pagsusuri ng iyong mga sagot, dahil sa imposible nang gumawa ng anumang mga pagwawasto pagkatapos maimprenta ang form.

Ang bawat form ay tinatayang higit sa sampung minuto para kumpletuhin. Mangyaring siguraduhin na mayroon ka ng mga kinakailangang dokumento gaya ng pasaporte upang pagkunan ng mga impormasyon na maaaring kailanganin sa ilang mga patlang. Huwag isara ang mga form hanggang sa sila ay handa na para sa pag-download. Ang mga form na bahagyang napunan ay hindi maaaring i-save upang tapusin mamaya. Kung kailangan mo nang higit pang tulong, mangyaring kontakin. Maraming salamat!

Impormasyon sa Pagkumpleto ng Form

1) Ibalik ang lahat ng mga pahina ng form na ito sa HR Operations (Pumili ng isang transmittal na format, at magpasa lamang ng isang beses):

a. Mag-email sa hroperations@worldbank.org

b. Mag-fax +1 (202) 522-7026

Kailangan ng Tulong? 

Kung ikaw ay nakararanas ng anumang mga isyu, mangyaring kontakin ang HR Operations sa pamamagitan ng email: hroperations@worldbank.org o telepono 202-473-2222 o 5220+32222.

Revision 26 Jan 2024

UPI*

MGA PARTIDO:

EMPLOYER

APELYIDO
BIGAY NA PANGALAN
TITULO NG RANGGO
TANGGAPAN NG TUNGKULIN
ADDRESS NG TIRAHAN

EMPLEYADO

APELYIDO
BIGAY NA PANGALAN

PETSA NG KAPANGANAKAN

NASYONALIDAD
MAY RELASYON BA ANG EMPLEYADO SA EMPLOYER?
KUNG OO, ILISTA ANG RELASYON
DATI BANG NAGTRABAHO ANG EMPLEYADO PARA SA EMPLOYER?
DATI BANG NAGTRABAHO ANG EMPLEYADO BILANG DOMESTIKONG MANGGAGAWA?

MGA PANGKALAHATANG PROBISYON

a. Lalagdaan ng mga partido ang dalawang magkaparehong kopya ng kontratang ito at ang bawat partido ay makakatanggap ng kopya ng kontrata. Ang anumang pagbabago sa kontrata ng pag-empleyo ay dapat nakasulat at nilagdaan ng magkabilang partido. Dapat magpadala agad ang EMPLOYER ng updated na kopya ng kontrata sa kanyang banyagang misyon o pandaigdigang organisasyon, na magbabahagi nito sa Departamento ng Estado.

., ang kontratang ito, 

na wikang nauunawaan ng EMPLEYADO. Ang tumpak na pagsasaling-wika sa Ingles ay nakalakip sa kontrata.

b. Inaasahang petsa ng pagsisimula ng pagka-empleyo:

c. Sang-ayon ang EMPLOYER na sumunod sa lahat ng pederal, estado at lokal na batas sa Estados Unidos.

d. Sang-ayon ang EMPLOYER na hindi ankinin, kontrolin o kundiman ay tanggihan ang EMPLEYADO ng access sa pasaporte, visa, kontrata ng pag-empleyo, card ng pagpaparehistro sa Departamento ng Estado, kung angkop, o anumang ibang  dokumento o personal na pag-aari ng EMPLEYADO, ng EMPLEYADO sa anumang dahilan.

 e. Sang-ayon ang EMPLOYER na hindi singilin ang EMPLEYADO ng anumang bayaring kaugnay ng pag-recruit sa EMPLEYADO o ibawas sa suweldo ng EMPLEYADO ang anumang halaga para pantakip sa mga nasabing bayarin sa pag-recruit.

 f. Sang-ayon ang EMPLOYER na magbayad ng mga gastos sa pagbiyahe ng EMPLEYADO mula sa 

sa Estados Unidos sa simula ng pag-empleyo nang hindi nagbabawas ng mga

gastos mula sa suweldo ng EMPLEYADO o paggamit ng anumang ibang paraan para mabawi ang mga nasabing

gastusin.

g. Sang-ayon ang EMPLOYER na bayaran ang gastos sa pagbiyahe ng EMPLEYADO mula sa Estados Unidos sa     

pagtatapos ng pag-empleyo (para sa anumang dahilan) para
.

nang hindi nagbabawas ng mga gastos mula sa suweldo ng EMPLEYADO o paggamit ng anumang ibang paraan para mabawi ang mga nasabing gastusin.

h. Sang-ayon ang EMPLOYER na magbayad para sa anumang ibang gastos sa pagbiyahe na inaatas sa EMPLEYADO ng EMPLOYER nang hindi binabawas ang mga gastos na ito sa suweldo ng EMPLEYADO o paggamit ng anumang ibang paraan para mabawi ang mga gastos.

i. Sang-ayon ang EMPLOYER na sumunod sa anumang mga pangangailangan sa pagpaparehistro, para tulungan ang EMPLEYADO sa pagmementina ng mga balidong dokumento sa pagbiyahe, at isumite sa pamamagitan ng kanilang banyagang misyon lahat ng hiling na palawakin ang katayuan ng EMPLEYADO nang may sapat na oras para pahintulutan ang mga nasabing hiling na maproseso bago ang pagkapaso ng I-94.

j. Sang-ayon ang EMPLEYADO na umalis sa Estados Unidos sa pagtatapos ng termino ng pag-empleyo alinsunod sa batas sa imigrasyon ng U.S.

PAGSASALARAWAN SA MGA TUNGKULIN

a. Inempelyo ang EMPLEYADO para gawin ang mga sumusunod na tungkulin para sa EMPLOYER:

b. Hindi pinahihintulutan ang EMPLEYADO na magtrabaho para sa ibang employer, at hindi dapat iatas ng EMPLOYER ang anumang ibang pag-empleyo na di kasama sa mga tuntunin ng kontratang ito.

c. Ang EMPLEYADO ay magiging isa sa
(mga) domestikong empleyado na inempleyo ng EMPLOYER.

ORAS NG TRABAHO

Tala: Maaaring iregula ng batas ng estado/lokal ang oras ng trabaho, kabilang ang mga break at dapat tiyakin ng EMPLOYER ang pagtupad sa lahat ng angkop na batas.

a. Karaniwang magtatrabaho ang EMPLEYADO ng
oras kada linggo.

Dapat bigyan ng EMPLOYER ang EMPLEYADO ng hindi bababa sa 35 oras ng trabaho kada linggo.

b. Makakatanggap ang EMPLEYADO ng hindi bababa sa isang buong araw na off bawat linggo tuwing

c. Bagaman ang normal na iskedyul sa linggo ng trabaho ay nakasaad sa ibaba, nagkakasundo ang EMPLOYER at ang EMPLEYADO na ang EMPLEYADO ay maaari, pana-panahon, atasang magtrabaho sa ibang iskedyul. Anuman ang tinrabahong iskedyul, sang-ayon ang EMPLOYER na bayaran ang EMPLEYADO para sa lahat ng oras na tinrabaho ayon sa nasa ibabang nakontratang tuntunin ng sahod at sa pagtupad sa batas ng U.S.

d. Ang normal na iskedyul ng linggo ng trabaho ng EMPLEYADO ay:

LINGGO NG TRABAHO (Simula)
LINGGO NG TRABAHO (Pagtatapos)
MGA PANG-ARAW-ARAW NA BREAK (Simula)
MGA PANG-ARAW-ARAW NA BREAK (Pagtatapos)
Kabuuang oras
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado

e. Sang-ayon ang EMPLOYER at ang EMPLEYADO na hindi babayaran ang EMPLEYADO para sa oras ng pagtulog at ibang panahon na ang EMPLEYADO ay walang tungkulin at kapag ang EMPLEYADO ay maaaring umalis sa lugar o manatili sa lugar, nang walang tungkulin sa pagka-empleyo.

f. Kung inatasan ang EMPLEYADO magtrabaho sa nakatakda niyang oras ng pagtulog o ibang libreng oras, angpanahon ng oras na ito ay dapat bilangin at bayaraan bilang oras ng trabaho. Ang anumang oras kung kailaninaatasan ang EMPLEYADONG manatili sa tirahan sakaling kailanganin para magtrabaho ay ituturing na oras ng pagtatrabaho.

g. Malaya ang EMPLEYADONG umalis sa tirahan ng EMPLOYER sa mga oras na walang trabaho.

LEAVE AT HOLIDAY

Tala: Maaaring iregula ng batas ng estado/lokal ang leave, at dapat tiyakin ng EMPLOYER ang pagtupad sa lahat ng angkop na batas.
a.

Ang EMPLEYADO ay makakatanggap ng

araw ng may bayad na leave sa pagkakasakit sa taon ng kalendaryo.

Ang EMPLEYADO ay hindi makakatanggap ng may bayad na leave sa pagkakasakit sa taon ng kalendaryo.

b.

 Ang EMPLEYADO ay makakatanggap ng

araw ng may bayad na bakasyon sa taon ng kalendaryo.

Ang EMPLEYADO ay hindi makakatanggap ng may bayad na leave na pangbakasyon sa taon ng kalendaryo.

c.

Ang EMPLEYADO ay makakatanggap ng

bayad na holiday (hal., pambansang araw ng kalayaan, mga pederal na holiday ng U.S., atbp.) sa taon ng kalendaryo.
Ang mga bayad na holiday ay :

Ang EMPLEYADO ay hindi makakatanggap ng may bayad na holiday sa taon ng kalendaryo.

MGA SAHOD, BUWIS, IBABAWAS AT MEDIKAL NA INSURANCE

a. Pinatototohanan ng EMPLOYER na ang orasang sahod ay hindi bababa sa mas malaki sa pinakamababang sahod sa sahod sa ilalim ng U.S. na pederal, estado o lokal na batas ng lungsod/county ng

. sa estado ng
Sang-ayon ang EMPLOYER na i-update ang kontrata kung ang angkop na pinakamababang sahod ay magbago.
b. Babayaran ng EMPLOYER ang EMPLEYADO sa rate na $
. oras kada linggo ng trabaho:

. bawat linggo tuwing

Ang EMPLEYADO ay babayaran ng $

. bawat dalawang linggo

tuwing
c. Bilang karagdagan sa mga sahod sa itaas, sang-ayon ang EMPLOYER na bayaran ang EMPLEYADO ng $
. bawat oras para sa lahat ng oras na tinuturing na overtime
sa ilalim ng pederal, estado o lokal na batas ng U.S.

d. Sang-ayon ang EMPLEYADONG magbukas ng account sa bangko sa Estados Unidow sa loob ng unang 30 araw ng pagdating sa Estados Unidos; at tutulong ang EMPLOYER kung kailangan. Higit na sang-ayon ang EMPLEYADONG magbigay ng katibayan nito sa Departamento ng Estado. Ang account sa bangko ay dapat nasa sariling pangalan ng EMPLEYADO; ang EMPLOYER o sinumang miyembro ng pamilya ng EMPLOYER o sinumang miyembro ng misyon ay walang access sa account sa bangko ng EMPLEYADO.

e. Makalipas ang unang 30 araw ng pagkaka-empleyo, babayaran ng EMPLOYER ang lahat ng sahod sa pamamagitan ng tseke o electronic transfer sa account sa bangko ng EMPLEYADO. Sa unang 30 araw na paanhon, bibigyan ng EMPLOYER ang EMPLEYADO ng nakasulat na resibo para sa anumang bayad na ginawa sa pamamagitan ng salapi. Makalipas ang unang panahon ng pagbabayad, walang bayad ang gagawin sa pamamagitan ng salapi.

f. Bibigyan ng EMPLOYER ang EMPLEYADO ng payslip sa oras ng pagbayad ng sahod, nakatala ang orasang sahod, overtime na sahod, bilang ng oras sa panahon ng pagbayad at pinahihintulutang ibabawas para mapunan ang mga obligasyon sa buwis at social security. Walang ibang ibabawas ang pahihintulutan.

g. Sang-ayon ang EMPLOYER na walang pera ang kukunin mula sa suweldo ng EMPLEYADO para sa mga pagkain, tirahan, pangangalagang medikal, medikal na insurance, mga uniporme, bayad sa pag-recruit o gastos sa pagbiyaheng kaugnay ng pagka-empleyo.

h. Sang-ayon ang EMPLOYER at ang EMPLEYADONG sumunod sa lahat ng makabuluhang obligasyon sa buwis at social security.

TANDAAN: Sa pangkalahatan, ang MGA EMPLOYER ay dapat may ranggong Minister o mas mataas o posisyong katumbas ng Minister o mas mataas. Ang MGA EMPLOYER na walang ranggong Minister o mas mataas ay dapat magpakita ng kakayahang bayaran ang EMPLEYADO sa angkop na lebel ng pinakamababang sahod ng pederal, estado o lokal ng U.S.

LABAN SA PANLILIGALIG

a. May karapatan ang EMPLEYADO sa lugar ng trabaho na malaya sa intimidasyon, panliligalig at pang-aabuso ng anumang uri at may karapatang umalis sa pagkaka-empleyo kung tinakot, niligalig o inabuso.

b. Hindi dapat pagbawalan ng EMPLOYER ang EMPLEYADO sa pag-ulat ng intimidasyon, panliligalig o pang-aabuso at hindi dapat maghiganti sa anumang paraan laban sa EMPLEYADO sa pagpapatupad ng kanyang mga legal na karapatan.

PAGRE-RESIGN AT TERMINASYON

Tala: Maaaring iregula ng batas ng estado/lokal ang mga terminasyon, at dapat tiyakin ng EMPLOYER ang pagtupad sa lahat ng angkop na batas.

a. Agad aabisuhan ng EMPLOYER ang Departamento ng Estado, sa pamamagitan ng misyon, ng pagre-resign o terminasyon ng EMPLEYADO.

b. Ang EMPLOYER o ang EMPLEYADO ay maaaring magwakas sa kontratang ito sa

. linggo ng abiso, o ang EMPLOYER ay maaaring magbigay ng katumbas na linggo ng bayad sa halip na abisong wakasan ang kontratang ito.

c. Dapat bayaran ng EMPLOYER lahat ng suweldong utang sa EMPLEYADO sa oras ng terminasyon.

MGA PANGANGAILANGAN SA PAGTATAGO NG TALAAN

a. Dapat magpanatili ang EMPLOYER ng file ng pag-empleyo na dapat may kasama, sa pinakamababa, ng mga sumusunod na talaan:

         i.   Buong pangalan ng EMPLEYADO at kung angkop, numero ng social security;
         ii.  Address sa tahanan ng EMPLEYADO;
         iii. Oras ng trabaho bawat araw ng trabaho at kabuuang oras na tinrabaho kada linggo ng trabaho;
         iv. Kabuuang sahod na binayad kada linggo sa EMPLEYADO, kabilang ang halaga ng anumang binayad               na overtime; at

         v.  Mga kopya ng lahat ng kontrata ng pag-empleyo.

b. Dapat itago ng EMPLOYER ang lahat ng mga tala sa pagka-empleyo ng tatlong taon makalipas ang terminasyon ng pagka-empleyo ng EMPLEYADO.

c. Dapat magpanatili ang EMPLOYER ng inaatas na talaan at maunawaan na reserbado ng Departamento ang karapatang humingi ng katibayan ng pagbayad kapag may mga tanong patungkol sa tamang kompensasyon ng domestikong empleyado.

MGA TALA:

1. Ang inaatas na magbayad ng mas mataas na overtime rate, sa pangkalahatan ay oras at kalahati, ay depende        sa kung ang EMPLEYADO ay nakatira sa tirahan o hindi at maaaring iba-iba depende sa batas ng estado o            lokal. Anuman ang rate ng overtime, subalit, lahat ng oras ng overtime ay dapat bayaran.

2. Ang angkop na pagtatago ng talaan ay mahalaga para maitakda ang pagpapatupad ng mga legal na inaatas ng     Departamento ng Estado at tumulong kung magkaroon ng hindi pagkakasundo sa sahod at kita sa hinaharap.     Kung hindi magpanatili ang EMPLOYER ng inaatas na dokumentasyon, nauunawaan ng EMPLOYER na     maaaring ipahiwatig ng Departamento na ang EMPLEYADO ay hindi maayos na nabayaran,at higit na     nauunawaan ng EMPLOYER na ang pag-sponsor sa hinahara ng mga domestikong manggagawa ay maaaring     hindi pahintulutan.

MGA IBANG TUNTUNING PINAGKASUNDUAN NG EMPLOYER AT EMPLEYADO O INAATAS NG ESTADO O LOKAL NA BATAS

1. Maaaring sumang-ayon ang EMPLOYER at EMPLEYADO sa mga karagdagang tuntunin, ngunit ang mga tuntuning iyon ay dapat sumunod sa batas pederal, estado at lokal ng U.S. at polisiya ng Departamento.

2. Ang kontrata ay hindi maaaring magsama ng tuntunin na nag-aatas ng ipatutupad na pamamagitan para malutas ang mga hindi pagkakasundo sa ilalim ng kontrata sa pag-empleyo.

3. Dapat kumonsulta ang MGA EMPLOYER sa abogado na may kadalubhasaan sa batas sa pag-empleyo sa U.S. na makakatulong sa pagtiyak ng pagtupad, lalo na alinsunod sa batas ng estado at lokal, na maaaring magpatupad ng mga inaatas bilang karagdagan sa mga inaatas sa ilalim ng pederal na batas ng U.S..

PANGHULING SUGNAY

EMPLOYER

PETSA

LAGDA:

Matapos mong punan ang dokumentong ito, dapat mo itong lagdaan at lagyan ng petsa bago mo ibalik ang dokumentong ito sa World Bank Group. Mangyaring siguraduhing LAHAT ng impormasyon sa ipapasang form ay kumpleto at tama bago iimprenta ang form. Ito ay bubuo ng iyong (mga) form bilang isang PDF file. Suriin ang file para sa katumpakan at pagkakaumpleto nito. Kung mayroong isang pagkakamali, mangyaring magsimula ng isang panibagong form.